Una sa Balita

Dagdag singil ng SSS ‘di pa ipapatupad

By
0 460

HINDI pa kailangang singilin ang karagdagang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na bagama’t ngayon araw magiging epektibo ang batas, kailangan munang maaprubahan at mailathala ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito para maipatupad ng tama.

Sabi ng SSS, may 90 araw pa sila o hanggang Hunyo 3, 2019 para gumawa at maglathala ng IRR.

“Ang maling impormasyon mula sa nasabing ulat ay maaaring magdulot ng pag-aalala sa aming mga miyembro lalo na sa mga employers na hindi pa naaabisuhan ng mga patnubay ng bagong batas. Nakikiusap kami sa aming mga kaibigan sa media na siguruhing tama ang balita tungkol sa ahensya, lalo na sa bagong SS Act of 2018,” sabi ng SSS.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy