Una sa Balita

Dagdag-singil ng Meralco aabot ng 92 sentimo

By
0 1,543
Meralco na magpapatupad sila ng dagdag-­singil sa kuryente ngayong ­Pebrero.
 
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, posibleng umabot ng hanggang 92 sentimo kada kilowatt hour ang idadagdag nila sa ­singil sa kuryente, na ­tulad din ng itinaas noong ­Pebrero 2016.
 
“Siguro more or less ganoon ‘yung magi­ging range,” ani Zaldarriaga. “We’re already expecting… February to be higher as far as the rates are concerned,” aniya pa.
 
Ipinaliwanag nito na ang dagdag-singil ay dahil na rin sa pagbalik sa normal na presyo ng kuryente ng mga power plant mula sa mas mababang halaga nito noong Disyembre at Enero.
 
Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng singil ay ang paghina ng piso kontra dolyar noong Enero. Isasama rin aniya sa kuwenta ang buwis na ipapataw sa transmission charge dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
 
Tinatayang nasa P0.06 kada kilowatt hour ang katumbas na value-added tax sa transmission charge.
 
Kaugnay nito, pinayuhan ni Zaldarriaga ang mga konsumer na magtipid at maging masinop sa paggamit ng kuryente upang makatipid.
 
Inaasahan namang ngayong Huwebes pa iaanunsiyo ng ­Meralco kung magkano ang eksaktong halaga na ita­taas sa singil sa kur­yente para sa buwan ng Pebrero.