Dagdag sahod sa mga guro itinulak ni Angara
By Dang Samson-GarciaSUPORTADO ni Senador Sonny Angara ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang suweldo ng mga pampublikong guro.
Nangako si Pangulong Duterte na itataas ang suweldo ng mga guro kasunod ng salary increase sa uniformed personnel.
“Teachers are heralded as molders of our children’s future and second parents, and yet, they receive a basic salary that does not equate to their contribution. Kung merong karapat-dapat na taasan ang sahod, sila ang ating mga guro,” saad ni Angara.
Sa Senate Bill 135, iginiit ni Angara na itaas ang minimum salary grade level ng mga guro mula Salary Grade 11 patungong 19 na nangangahulugang mula P20,179 gagawing P42,099 ang kanilang sahod.
Binigyang-diin ng senador na ang pagtataas ng suweldo ay manghihikayat sa iba pang kwalipikado at may kakayahan na magturo sa mga public school.
“Our teachers are considered to be the heart of the educational system. The government needs to give priority to their welfare and interests. Definitely, this would lead to an improvement in the quality of education in our public school system,” giit ni Angara.
Idinagdag pa nito na ang mababang pasahod sa mga guro ay naging hadlang din sa mga guro na ayusin pa ang kanilang kakayahan sa pagtuturo at magkaroon pa na dagdag na training.
“Having inspired and capable teachers is probably one of the best investments our government could make,” dagdag pa ng senador.