Una sa Balita

Dagdag sahod sa mga guro, iba pang taga-gobyerno itutulak ni Bong Go

0 286

BUKOD sa pagba­langkas ng mga batas para sa kapakanan ng mga OFW, senior citizen, pangkalusugan at pabahay, prayoridad ding isulong ni Senator-elect Bong Go ang pagtataas sa suweldo ng mga public school teacher at iba pang mga kawani ng pamahalaan sa pagbubukas ng ses­yon ng Senado sa susunod na buwan.

Nais ni Senator-elect Go na madagdagan pa ang sahod ng mga guro at iba pang kawani ng gobyerno.

Ayon kay Go, dapat lamang na alagaan ang mga government wor­ker upang hindi lumipat sa pribadong sector na nag-aalok ng mas mataas na suweldo.

Aminado ang senador na mababa ang suweldo ng mga government worker kumpara sa mga empleyado ng mga mauunlad na bansa.

Aniya, ang mababang sahod ang isa sa dahilan kung kaya may ilang empleyado ang nagne­negosyo ng mga kakanin o pahulugan sa kanilang pinapasukang tanggapan para madagdagan ang kanilang kinikita.

“Nakakalungkot mang makita ang ganitong sitwasyon pero ‘yan ang nangyayari dahil kailangan buhayin at pag-aralin din ng mga kawaning ito ang kanilang mga anak,” sabi ni Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy