Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dagdag presyo sa petrolyo inanunsyo

0 266

Hindi pa man nakakabuwelo ang mga pampublikong sasakyan sa muling pagbabalik biyahe, nag-anunsyo na naman ang mga kompanya ng langis para sa bagong pataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Hunyo 30.

Ito na ang ikawalong sunod na linggo o dalawang buwan na walang patid

ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa Shell at Cleanfuel, 30 sentimo ang taas presyo sa kada litro ng diesel habang 70 sentimo sa gasolina. Tataasan din ng Shell ng 40 sentimo ang presyo kada litro ng kerosene.

Inaasahang susunod na rin mag-aanunsyo ng dagdag presyo ang iba pang kompanya ng langis. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.