Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dagdag-pondo hinirit sa bonus ng mga gov’t worker

0 180

Hiniling ng isang kongresista na dagdagan ng pamahalaan ang pondo para sa Service Recognition Incentive (SRI) ng mga kawani ng pamahalaan.

Kasunod na rin ito pangamba ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na kapos na ang pondo ng mga ahensiya lalo na ang mga local government unit (LGU) na sinalanta ng bagyong `Odette’.

“Bagama’t magandang balita ang paglalabas ng Administrative Order No. 45 na magbibigay ng P10,000 SRI para sa mga kawani ng pamahalaan, sa malamang ay marami sa mga ahensya ng gobyerno, lalo na ang mga LGU na sinalanta ng bagyong `Odette\ ay hindi makakayang balikatin ang pondo para rito,” ayon kay Gaite.

Dahil dito, hiniling ng kongresista na bigyan ng karagdagang pondo ng pamahalaan ang mga ahensiya at LGU pang maibigay sa mga kawani nito ang P10,000 SRI.

Tinukoy ni Gaite na sa ilalim ng AO 45, nakabatay ang SRI sa natitirang pondo ng mga ahensya mula sa Personnel Services (PS) at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at kakayahan naman ng mga LGU na pondohan ang pagbibigay ng SRI para sa mga kawani nito. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.