Una sa Balita

Dagdag-oras at biyahe ng LRT

By
0 95

Simula sa Hulyo 8 ay magdaragdag ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ng biyahe at pahahabain pa ang oras ng kanilang serbisyo kahit weekends at holidays.

Base sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang ope­rator ng LRT-1, nabatid na mula sa dating alas-singko ng madaling-araw, ay gagawin na nilang alas-4:30 ng madaling-araw, o mas maaga ng kalahating oras, ang unang biyahe ng kanilang mga tren tuwing weekends at holidays.

Mula naman sa da­ting 423 biyahe lamang tuwing Sabado at holiday ay gagawin na itong 472 trips. Gagawin namang 353 mula sa kasalukuyang 323 biyahe kapag araw ng Linggo.

Ayon sa LRMC, nagpasya silang ipatupad na rin ang extended hours at karagdagang biyahe ng LRT-1 kahit weekends at holiday, dahil na rin sa natanggap na positibong feedback mula sa mga pasahero, hinggil sa ipinatutupad nilang extended operating hours na mula alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-10:15 ng gabi noong balik-eskwela.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy