Una sa Balita

Dagdag na biofuel content sa diesel pag-aralan

0 311

Hinimok ni Senador Sherwin Gatcha­lian ang Department of Energy (DOE) na pag-aralan ang panukalang dagdagan ang biofuel content sa diesel para mabawasan ang sob­rang suplay ng kopra sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang P2.3 bilyong budget ng DOE para sa 2020, nanawagan si Gatcha­lian kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pulungin ang National Biofuels Board (NBB) para gumawa ng polisiya na magpapalakas sa biofuel production sa Pilipinas.

Sabi ni Gatcha­lian, chairman ng Se­nate Committee on Energy, kailangang pag-aralan ng DOE at NBB ang feedstock availability bago gumawa ng desis­yon para sa mas mataas na blend ng coco me­thyl ester (CME) patu­ngo sa paggawa ng diesel product.

“These issues have been there for a long, long time already. Iyan ang plead ng mga farmers two years ago, hanggang ngayon, iyan pa rin ang plead ng mga farmers right now. We need to address these issues kasi nagmi-meeting pero walang aksiyon,” dagdag ito.

Sa datos ng DOE, tinataya ng Department of Agriculture na aabot sa 1.5 bil­yong niyog ang aanihin ngayong taon, sapat na para makagawa ng 5% biodiesel blend.

Pero giit ni Gatcha­lian, nalilito umano siya sa mga pahayag ng DOE at DA tungkol sa sup­lay ng biodiesel sa Pilipinas.

“Ang sinasabi ng DA, there’s supply at ang sabi nila ay ayaw lang ng DOE dahil tataas iyong presyo. But the DOE is saying walang supply,” punto nito kaya iginiit na pag-aralan ng DOE at NBB. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy