Una sa Balita

Dagdag byahe ng LRT

By
0 50

Dahil sa nalalapit na ang pagbubukas ng klase, madadagdagan ng oras ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT 1) simula sa araw ng Lunes (Hunyo 5).

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), mula sa alas-singko ng madaling-araw ay gagawing alas-4:30 na ng madaling-araw ang umpisa ng biyahe ng LRT.

Batay sa pahayag, ang kanilang unang biyahe mula Baclaran Station hanggang Roosevelt sa Quezon City ay alas-4:30 ng madaling-araw, vice versa.

Mananatili naman ang huling biyahe ng LRT 1 ng hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 5 ng taong kasalukuyan dahil sa pagsisiksikan ng mga pasahero sa rush hour at kadalasan ay kinakapos pa sa tren kung kaya nagdagdag ng oras ng biyahe ng LRT.

Layon nito na mabawasan ang sobrang pila sa mga platform ng mga pa­sahero na papasok sa kani-kanilang mga trabaho at eskuwelahan nga­yong pasukan ng eskuwela.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy