Una sa Balita

DAGDAG-BUWIS SA KAPE, JUICE AT SOFTDRINKS

By
0 298

Malamang na tamaan ng high blood ang mga Filipino sa panukala ng gobyerno na patungan ng P10 kada litro ang buwis sa softdrinks, juice at maging sa kape.

Kahit na si Sen. Sonny Angara, chairman ng senate committee on ways and means, nalulula sa laki ng ipapatong na buwis sa sugar-sweetened beverages (SSB) kung kaya’t gumagawa ito ng paraan para mabawasan ang hinihiling ng Department of Finance (DOF) na nakapaloob sa House Bill No. 5636 na inaprubahan na ng Kamara.

Ayon kay Angara, kung ang hangarin ng gobyerno ay para pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan laban sa diabetes at obesity, ibinase sana ang komputasyon ng buwis sa dami ng asukal ng produkto at hindi sa bawat litro ng produkto.

“Sabi ng mga eksperto, kung kalusugan ang pinag-uusapan at para mabawasan talaga ang konsumo ng asukal ng mga Pilipino, dapat ‘yung buwis ay nakabase doon sa laman na asukal ng inumin,” giit ng senador.

Base sa survey ng DOF, ang retail prices ng 1L Coca-Cola ay tataas ng P34 mula sa P22; ang presyo ng bawat sachet ng powdered drinks Nestea, Tang o Eight O’ Clock ay aangat sa P20 mula sa P9; habang ang 3-in-1 instant coffee ay magiging P8 ang bawat sachet mula sa P5.

Ayon kay Angara, ang pangkaraniwang mamamayan ang tatamaan ng karagdagang excise tax sa SSB.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy