Una sa Balita

Dagdag buwis sa alak, vape pinamamadali

0 360

SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang panukalang batas na magdaragdag ng buwis sa alak,heated tobacco at vapor products.

Sa sulat na ipinadala ng Pangulo kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, pinamamadali nito ang pagpasa sa Senate Bill 1074 na nagdadagdag ng buwis sa produkto ng alak at sigarilyo kabilang na dito ang vapor products .

Nakasaad sa liham ni Pangulong Duterte na may pangangailangang madagdagan ang kinukulektang buwis ng gobyerno para mapondohan ang Universal Health care Act at maprotektahan ang kondisyong pangkalusugan ng mamamayan.

Aabot sa P47.9 bilyon ang inaasahang buwis dito upang punan ang kakulangang P59.1 bil­yong pondo sa implementasyon ng UHC.

Ang sulat ng Pangulo sa liderato ng senado ay may petsang November 12, 2019 at may kopya rin nito si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Kapag nakalusot at tuluyang naging batas ang panukala, magmamahal ang presyo ng sigarilyo at alak, pati na rin ang vape na popular ngayon sa mga kabataan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy