Una sa Balita

Dagdag bonus sa mga empleyado isinulong sa Kamara

0 341

ISINULONG sa Kongreso ng ACT-CIS party-list ang panukalang batas na magbibigay ng 14th Month pay sa lahat ng empleyado, pribado man at sa gobyerno.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, panahon na para bigyan ng dagdag na bonus ang lahat ng empleyado sa bansa.

Ani Cong. Yap, ang 13th month pay ay noong panahon pa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naisabatas kaya kailangan na ang 14th month ng mga manggagawa.

Paliwanag ng mambabatas, kailangan lamang na mag-allocate ang Congress ng pondo para sa mga empleyado sa gobyerno habang ang mga pribadong manggagawa ay kaya namang ibigay ng kanilang mga employer kung gugustuhin ng mga ito.
“Negosyante ako noon kaya alam ko na kakayanin ng mga kompanya na magbigay bonus kung gugustuhin talaga nila” pahayag pa ni Cong. Yap.

Sinabi pa ni Yap, kapag pumasa ang kanyang panukala na 14th month ay magiging Chistmas bonus habang ang 13th month ay ibibigay bago ang enrollment ng mga estudyante sa Mayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More