Una sa Balita

Dagdag 1 sa gasolina, 1.45 sa diesel ikakarga ngayon

By
0 92

Muli na namang nagpatupad ng malakihang pagtaas sa presyo ng kanilang produkto ang mga kompanya ng la­ngis sa bansa, epektibo ngayong Martes, Oktubre 9.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ito na ang ika-siyam na magkakasunod na linggong pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo. Ang Pilipinas Shell, PTT Philippines Petro Gazz, at Seaoil ay magtataas ng P1.00 kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro ng diesel habang nasa P1.35 kada litro naman sa kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.

Batay sa talaan, mula Enero 1 hanggang Oktubre 6 ng taon kasalukuyan ay umabot na sa halagang P13.50 ang itinaas na halaga kada litro ng diesel, P13.37 sa gasolina at P12.71 naman sa kada litro ng kerosene.