Una sa Balita

Dagdag 1 bilyon sa SEAG hosting OK na kay Digong

0 291

APRUBADO na ni Pangu­long Rodrigo Roa Duterte ang P1 bilyong karagdagan budget para sa paparating na 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Ito ay matapos ang cabinet meeting kamakailan kung saan inihain ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHIGSOC) ang progreso sa kanilang preparasyon.

Ang naturang pondo ay idinagdag upang masigurado ang tagumpay­ ng itinuturing na pinakamalaking edisyon ng SEA Games.

Sa kasalukuyan ay may P6 bilyong pondo na ang bansa para sa prestihiyosong event kabilang na ang P5 billyon na inayunan ng Kongreso noong nakaraang taon mula sa orihinal na P7.5 billion­ proposed budget. ­(Ericka Gem Galang-Ledesma)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy