Una sa Balita

‘Daga’ nina Marian, Zia nasa Netherlands na

By
0 3,529

Sunod-sunod ang alis ni Dingdong Dantes. Halos kagagaling lang niya sa Japan para sa shooting ng movie nila ni Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story), heto nga at nasa Netherlands na sila nina Marian Rivera at Zia.

Picture perfect talaga ang pamilyang ito mapa-mag-asawa lang na sina Dingdong at Marian o ang mag-inang sina Marian at Zia Dantes. Siyempre, parang trademark na ng mga post ni Dingdong tuwing lumalabas sila ng bansa o kahit out-of-town ang ‘Ay, May Daga!’ pose nina Ma­rian at Zia.

After ng Netherlands tour nila, diretso na sila sa Spain. Mismong Holy Week ay nasa Spain ang mag-anak at dadalawin naman nila ang Daddy ni Marian na si Francisco Javier Gracia.

Siguradong excited na ito na makita ulit ang napakaganda at napaka-bibo na apo. Gayundin ang mga kapatid ni Marian sa Spain sa kanilang pamangkin.

Ilong ni Nadine Samonte pinagdiskitahan ng basher

Kahit na inactive na rin naman si Nadine Samonte sa kanyang showbiz career at makikita naman sa mga posting niya sa kanyang social media account na mula nang mag-asawa, focus na ito sa mister at ngayon naman, talagang nakatutok sa kanilang anak.

So ‘yun nga, kahit lie-low sa kanyang showbiz career, nakakatanggap pa rin ito ng pangba-bash sa netizen. Sa post ni Nadine habang nasa Korea, may nag-comment dito at pinuna ang ilong niya. Sey ni @maryjoy7231, “Ang yaman muna Nadine bkit hnd ka mgpa tangos ng ilong???”

In fairness to Nadine, sa halip na magalit o dedmahin, maayos niya itong sinagot na, “Kontento ako kung anung binigay skn ng Diyos. At sana maging kontento ka din sa mga nakikita mo.”

Pinuri si Nadine ng ibang mga follower niya at siyempre, binalikan ng mga ito ang nang-bash sa dating StarStruck alumnae.

Megan, Mikael malakas ang chemistry

Pinag-uusapan ang afternoon prime na The Stepdaughters ng GMA-7. Isa lang ang ibig sabihin, ang mga manonood, mahilig pa rin talaga sa formula theme ng serye.

‘Yung may sampalan, inaapi nang todo, nang-aapi nang walang hum­pay at siyempre, ‘yung kilig, hindi mawawala. Although, unang panood pa lang namin sa pilot, knows na namin talaga na magugustuhan ng viewers ang The Stepdaughters.

Simula na nga lalo ng mga kamalditahan ni Isabelle na ginagampanan ni Katrina Halili laban sa mag-inang Luisa (Glydel Mercado) at Mayumi (Megan Young). Sayang at ngayon lang din pinagtambal sina Megan at Mikael Daez na ang chemistry pala nila off-screen bilang real-life sweetheart ay nagta-transcend hanggang sa screen.