Una sa Balita

Daddy Bae pumalag sa mga basher ni Alden

0 476

Kaya kung minsan, kahit ayaw ng isang artista na i-announce, isapubliko ang ginagawa nilang pagtulong, minsan kailangang gawin o napipilitang gawin, dahil na rin sa mga negang tao.

Katulad na lang ng naging panghuhusga agad sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Dahil nagpo-post si Alden ng mga naging thanksgiving party niya with the people na naging malapit sa kanya o nakatulong sa kanya over the year, may netizen na nanghusga agad dito.

Panahon muna raw ng pagdadalamhati at kinuwestiyon pa pati ang pagiging maka-Diyos ni Alden.

Dahil sa mga ganitong puna o akusasyon ng mga netizen kaya tingin namin, napilitan na ang ama ni Alden na magpakita ng proof na kung paano nakakatulong ang anak.

Pinakita nito ang screenshot ng palitan nila ng text message ng anak. Humiram muna si Alden ng P10K sa daddy niya para maiabot sa isang nagngangalang “Reynie” at iwan na lang daw sa McDo bilang pantulong lang dito.

Sa caption ng Daddy ni Alden, “Isang tao pa lang yan Boss, kahapon 7:15 ng umaga. Kahit malayo siya dun sa dapat mabigyan ng tulong, may ginagawa na yan. Thank you.”

At to think na sa kabila ng masasabing isa rin si Alden sa naapektuhan ng pag-alburoto ng Taal Volcano. Bukod sa malapit din ang bahay nila sa Taal, ang dalawang restaurant niya ay sa Tagaytay mismo ang location. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More