Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dableo ilalabas bangis sa chess

0 104

ISA si Grandmaster candidate at IM Ronald Dableo sa markadong woodpusher sa Woman FIDE Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran Rapid Open Chess Championship na ilalarga sa Hulyo 10 sa Mandaluyong City.

Magsisimula ang nasabing event sa alas-8 ng umaga kung saan ay hahamigin ng magkakampeon ang P10,000 plus trophy at iPhone.

Pakay ni former Asian Zonal champion Dableo sungkitin ang first major title ngayong taon.

Pambato ng Philippine Army Chess Team at coach ng University of Santo Tomas, inasahang dadaan sa butas ng karayom si Dableo bago makuha ang inaasam na korona dahil mga tigasing woodpusher din ang mga kasali.

Tampok sa nasabing event na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sina GM Rogelio “Joey” Antonio, Jr., GM Darwin Laylo, IM Daniel Quizon, IM Jan Emmanuel Garcia, IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, IM Barlo Nadera at IM Chito Garma.

Nakalaan sa second placer ang P7,000, maisusubi ng third ang P5,000, matatangap ng fourth ang P3,000 at maiuuwi ng fifth ang P2,000. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.