Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dabawenyo viral sa pagguhit gamit pwet, paa

0 106

Kinabibiliban online ang isang artist mula sa Davao Oriental dahil sa kakaiba niyag paraan ng pagguhit hindi lang gamit ang kamay, pero pati na rin pwet, paa at maging ng kanyang noo.

Una nang nag-viral sa social media at naitampok pa sa ilang international media ang Davaoeño artist na si Alexis Bantiles, 18-anyos. Dahil ito sa kanyang pagguhit ng mga portrait ng mga karakter sa Avengers nang sabay-sabay.

Pagkatapos nito ay naging sunod-sunod na ang pag-drawing ni Bantiles sa iba pang mga sikat na personalidad gamit ang kakaiba niyang pamamaraan na tinawag na drawing in simultaneous.

Kabilang sa kanyang mga naiguhit gamit ang pagdikit ng lapis sa kanyang pwet, ay ang sikat na TikToker na si MikeCakez. Naipakita din sa ilan niyang video ang paglikha niya ng obra ng mga local celebrity gaya ni Liza Soberano.

Kaya rin ni Bantiles na gumuhit gamit ang kanyang noo at kamay, na may tatlong tao bawat parte ang sabay sabay na naiguguhit. Bukod dito, gamit naman ang dalawa niyang kamay ay nakakaguhit siya ng 100 obra nang sabay-sabay, sa pamamagitan naman ng pagdikit sa stick ng 20 ballpen.

Ito ay ang 100 K-pop idol na gaya ng BTS na sabayan niyang ginuhit.

Marami ang namangha sa kanyang kakaibang talento at ang iba ay hindi makapaniwala na posible itong magawa. (Nethaniah Jan Lim)

Leave A Reply

Your email address will not be published.