Una sa Balita

Dabawenyo pasok sa top 50 cocoa producer

0 343

ISANG Pinoy na tubong Davao ang ipinagmamalaki ngayon ng Pilipinas matapos mapabilang sa top 50 cocoa producer sa buong mundo mula sa prestihiyosong International Cocoa Awards sa Paris.

Si Jose Saguban ay umaani ngayon ng mga pagbati at suporta mula sa mga proud Pinoy na nakaalam sa kanyang tagumpay.

Nabatid na si Ginoong Saguban ay nakatakdang dumalo sa prestihiyosong International Cocoa Awards sa Salon du Chocolat sa Paris, France mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 ng 2019.

Labis na hinahangaan si Mang Saguban sa kanyang lugar sa Davao dahil nagbunga ang kanyang sakripisyo at kasipagan na tinatamasa niya ngayon.

Matapos maibahagi ang kahanga-hanga niyang tagumpay ay mabilis itong nag-viral sa social media kasabay nang pagbuhos ng mga pagbati at suporta sa naturang magsasaka. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy