Una sa Balita

Dabarkads, huli sa pot session

By
0 85

Kalaboso ang apat na magbabarkada na binubuo ng tatlong kababaihan at isang lalaki matapos na mahuli sa aktong nagsisihithitan ng shabu sa isang semen­teryo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Chief of Police S/Supt. John Chua ng Malabon City Police, nakilala ang magkakabarkada sina Emmalyn Brasileno alyas ‘Isay’, 29-anyos, dalaga, ng Barangay Longos; Jeanne Gallego, 23-anyos, ng Letre, Barangay Tonsuya; Fermina Martin, 50-anyos; at Crisanto Roste, 39-anyos, ng Bisig ng Nayon, Caloocan.

Kasalukuyan umanong rumoronda ang mga tanod ng Barangay Tugatog na sina Eduardo Iñigo at Ronald Olaer kasama si PO1 Jasmin Maquinab sa loob ng Tugatog Public Cemetery nang mamataan ang mga suspek. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy