Una sa Balita

Daang kabataan nagsaya sa PSC Children’s Games

0 206

Nasa 200 kabataan ang nakisaya sa Children’s Games sa Our Lady of Lourdes Parish sa Central Park ng Bangkal, Davao City nitong Sabado.

Lumahok sa kasiyahan si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa kauna-unahang pagkakataon matapos buhayin ang palaro noong Mayo 2017.

“Ito ang unanag beses kong nakimartsa sa Children’s Games matapos makasali ang nasa 18,000 kabataan,” ayon kay Ramirez sa Bisaya, na nagpasalamat din kay Fr. Toto Espana dahil sa pagmamahal nito sa mga bata.

“Walang native, walang Kristiyano, walang Muslim dahil lahat tayo’y Pilipino, iisa tayo,”saad pa ng PSC chair.

Isang inter-faith prayer din ang nasaksihan kung saan tatlong kabataan na mula sa iba’t ibang relihiyon ang na­nguna.

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng palarong Pinoy para sa partisipante para sa layuning magkaroon ng bagong mga kaibigan, ayon kay PSC Mindanao Cluster head Ed Fernandez. (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy