Una sa Balita

Daan sa Olympics hahawiin ni Didal

By
0 356

SUSUBUKAN linisin ni Margielyn Arda Didal ang masukal at matinik na daan patungong 2020 Tokyo Olympics sa pagsabak simula ngayong araw, Enero 8 hanggang 11 sa Street League Skateboarding PRO Champion­ships sa Rio De Janeiro, Brazil.

Kasama rin ng Asian Games gold medalist na si Didal sa naturang qualifying event si Christiana Means upang magamay ang pinagganapan ng 2016 Olympics na Rio De Janeiro at subukang makatipon ng puntos para mapabilang sa Street Skateboarding event sa Olympics.

Unang pagkakataon sa kada apat na taong Olimpiada na paglalabanan ang skateboarding bilang isang opis­yal na sports at regular na medal event kaya umaasa sina Didal at Means na agad makapasok sa kinakailangang bilang ng manlalaro sa event na Street Skate.

“Kailangan po muna makaipon ng Olympic qualifying points at makakuha ng slot,” sabi ni Didal. “Saka ko na lang po iisipin kung paano mananalo ng medalya,” sabi ng 19-anyos na si Didal, na pinasaya ang bansa matapos nitong iuwi ang gintong medalya noong 2018 Asian Games.

Magtatangka din ang isa pang Pinay skater na mula sa Pampanga subalit nakabase sa Oregon na si Means sa Rio qualifier na itinutu­ring na 2019 World Championship sa Street Skateboarding.

Makakasagupa ng dalawa ang top 14 women sa Street League Skateboarding simula Martes, Miyerkoles sa Manila, kabilang ang kilala sa buong mundo na sina Pamela Rosa, Alexis Sablone, Kate Shengeliya, Jenn Sotto, Lacey Ba­ker, Samarria Brevard, Julia Brueckler, Leticia Bufoni at Mariah Duran. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy