Una sa Balita

Daan pabalik sa West Finals matarik kina Lillard, McCollum

0 289

Key Players: Damian Lilard, CJ McCollum, Pau Gasol, Kent Bazemore, Hassan Whiteside

Roster: Damian Lilard, CJ McCollum, Pau Gasol, Kent Bazemore, Hassan Whiteside, Troy Caupain, Zach Collins, Jaylen Hoard, Rodney Hood, Skal Labissiere, Jusur Nurkic, London Perrantes, Anfernee Simons, Gary Trent Jr.

Key Additions: Nassir Little (Draft), Keljin Blevins (Draft), Moses Brown (Draft), Anthony Tolliver, Mario Hezonja, Kent Bazemore, Hassan Whiteside

Head Coach: Terry Stotts

Rank: 3rd

Last Season’s Record: 53-29

Playoffs: Western Conference Finals (0-4) against Golden State Warriors

NAWALIS man ang Portland Trail Blazers sa Western Conference finals nang talunin sila ng apat na laro ng Golden State Warriors sa nakaraang season ay hindi naman ito naging hadlang para patunayang may ibubuga pa rin ang koponan matapos ilista ang 1st conference final appearance mula pa noong taong 2000.

Ngunit dahil sa sanrekwang trade ng mga NBA stars patungong Western Conference ay pihadong dadaan sa butas ng karayom ang Blazers para makabalik sa West Finals.

Gayunma’y handa naman itong sagutin ni Portland star Damian Lillard na numero-uno sa pagiging dominante mapapuntos man o assists.

Magiging problema lang ng koponan ang pagiging inconsistent ni Lillard matapos kalabanin ang Pelicans sa playoffs noong 2018 at lumista lamang ito ng 18.5 PPG o 35.2% field goal.

Pero dahil naka-back up sa kanya ang backcourt partner na si CJ McCollum na nagpasiklab rin ng mahusay na performance nitong 2019 post season at tumulong sa pagkayod tungong conference finals ay kaya nang plantsahin ang gusot.

Bihasa naman at consistent sa laro si CJ tuwing playoff round kaya patok ang kanilang tandem para makaabante ang Portland.

Dagdag-sandata rin ang pagkuha nila kay Hassan Whiteside mula sa Miami Heat na pampainit sa pagiging productive starting center. Hinihintay lang din nilang gumaling si Jusuf Nurkic na nagtamo ng leg injury noong nakaraang season.

‘Good move’ rin ang pagkuha kay Kent Bazemore dahil taglay nito ang magandang depensa bukod pa sa maaasahan ito sa perimeter shots. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy