Una sa Balita

Daan-daang patay na isda naglutangan sa dagat sa Las Piñas-Parañaque

0 518

Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa dagat sa Las Piñas-Parañaque nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay PNP Maritime Unit-NCR chief P/Col. Jason Cipriano sa panayam sa telebisyon, natuklasan nila ang fish kill alas-6:30 ng umaga habang nagsasagawa ng clearing operations sa mga informal settler kung saan napansin na naglulutangan ang mga isda.

Natagpuan ang daan-daang patay na isda sa kahabaan ng Las Piñas-Parañaque coastal habitat ecotourism area.

Samantala, kumuha na ang BFAR at DENR ng water samples para madetermina ang sanhi ng fish kill gaya ng kung may nagtapon ng kemikal o ang pabago-bagong klima.

Batay naman sa Las Piñas City Agricultural Office, posibleng paghalo ng tubig-ilog at dagat ang ikinamatay ng mga isda pero hindi pa tiyak ang tunay na sanhi ng fishkill. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy