Una sa Balita

DA tinawag na baliw sa research: Villar kuyog sa mga netizen

0 874

Umusok ang social media sa galit ng mga netizen sa naging pahayag ni Senadora Cynthia Villar tungkol sa paglalaan ng malaking pondo para sa pananaliksik ng National Corn Program ng Department of Agriculture (DA).

“Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba yung research? Ako matalino akong tao pero hindi ko maintindihan yung research niyo, lalo na yung farmer. Gusto ba ng farmer ‘yung research? Hindi ba gusto nila tulungan n’yo sila? Bakit ba lahat ng budget n’yo research,” pahayag ni Villar sa budget hearing ng DA nitong Oktubre 9, 2019.

Inakusahan ng netizens si Villar ng pagiging tanga at bobo.

(IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy