Una sa Balita

DA project pampapogi sa kandidatura ng anak, kapatid ni Piñol

By
0 1,183

Inakusahan ng isang grupo ng mga magsasaka si Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol sa paggamit ng kanyang ahensiya upang suportahan ang kandidatura ng kanyang anak, mga kapatid at kaalyado nito sa lalawigan ng North Cotabato sa pamamagitan ng mga proyekto ng Department of Agriculture (DA) na nakalaan sa mga mahihirap na magsasaka sa 10 lalawigan sa buong bansa.

Sinabi ni Association of Free Fra­mers (AFF) Vice President Teody De Belen ang kanyang grupo ng mga magsasaka at mangingisda ay kinokondena si Piñol dahil sa paggamit ng karamihang proyekto sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) sa ilalim ng DA at naka­tuon lamang ito sa lalawigan ng North Cotabato upang mapahusay ang kampanya ng kanyang anak na si Ma. Krista Piñol, na tumatakbong board member sa Ikalawang Distrito, ang kanyang mga kapatid na sina Socrates Piñol na tumatakbong vice governor, Efren Piñol na tumatakbo bilang kongresista sa Ikalawang Distrito, Bernardo Piñol, Jr., para sa Kidapawan City mayor at Joselito Piñol na tumatakbong vice mayor ng Mlang.

“Bakit parang nakatuon lamang si Secretary Piñol sa iisang probinsiya at ginagamit pa niya ang proyekto sa kampanya ng kanyang mga ka­patid, anak at mga kaalyado. Dapat kami ang tunay na makinabang sa mga SAAD projects na ito,” himutok pa ni De Belen.

Bukod sa kanyang anak at kapatid, ang iba pang mga benepisyaryo sa SAAD project ni Piñol ay ang kanyang kaalyado sa politika at last-ter­mer Rep. Nancy Catamco na tumatakbo bilang provincial governor.

Si Catamco, nakakalaya pansa­mantala matapos magpiyansa ay may nakabinbing kaso sa Sandiganba­yan makaraang kasuhan ng dalawang counts ng malversation of public fund at isang bilang ng graft sa limang milyong piso na deal sa ilalim ng umano’y fertilizer fund scam.

“It looks like Mr. Piñol is rebuil­ding their broken empire in the pro­vince at the expense of people’s hard earned money intended for us poor farmers in other provinces who have inadequate access to government farm projects. Paano naman kami?” diin pa ni De Belen.

Ang SAAD ay isang DA strategy na ipinatupad ni Piñol nang tanggapin niya ang kanyang posisyon noong Hul­yo 2016. May budget itong P721 mil­yon noong 2018.

Sinikap ng Abante na hingan ng reaksyon si Piñol pero hindi pa ito makontak habang sinusulat ang balitang ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More