Una sa Balita

‘Da Moves’ ng kings ni Cone iharabas na!

By
0 3,856

Hindi name-maintain ng Ginebra ang angas sa bawat laro, taas-baba ang kampanya sa PBA Philippine Cup elims.

Pagkatapos bangasan ang dating namamayagpag na defending champion San Miguel Beer 100-96 noong Jan. 28, tumukod naman sa NLEX 81-78 noong Feb. 3.

Kontra Road Warriors ay nakabalik na si Greg Slaughter, pero natisod pa rin ang Gin Kings.

Buong gabi pang nasa trangko ang team ni Tim Cone, naubusan lang sa dulo at napunta ang breaks sa hukbo ni Yeng Guiao.

Tuloy, natengga ang Ginebra sa 3-4 at nakikigitgit sa sixth-ninth kasama ng Phoenix, nambiktima sa kanilang NLEX at GlobalPort.

Nagpapabugbog sa una bago aariba sa huli? Baka mahuli ang gising ng Gins, lalo’t maigsing single-round robin lang ang classification phase ng season-opening conference.

Pagkatapos ng 11-game eliminations, top eight lang ang aabante sa quarterfinals.

Kilala bilang Never-Say-Die team, dapat nang ilabas ng Gins ang ‘da moves’ umpisa mamaya kontra Kia sa MOA Arena.

Si Cone, naglabas ng pampakalma para sa laksa-laksang fans ng walang dudang pinaka-popular na team sa pro league.

Aminado ang grand slam coach na nangangapa ang koponan, pero nangakong babalikwas.

“It has certainly been a struggle this conference – we’ve been kind of battling ourselves – but we will smooth ourselves out and be there at the end,” tweet ni Cone (@manilacone) na nilagyan niya ng #NSD.

Abangers ang Barangay diyan coach!(Vladi Eduarte)