Una sa Balita

DA may pautang sa mga sinalanta ng bagyo

0 267

PAUUTANGIN ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasakang nasalanta sa Ilocos ng bagyong Ineng.

Sabi ni Agriculture Secretary William Dar kahapon, handa ang DA pautangin ng hanggang P25,000 ang mga magsasaka sa Ilocos Norte ng walang interes na tatlong taon pa ang bayaran sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance program.

Idineklarang nasa State of Calamity ang Ilocos Norte dahil sa bagyong Ineng.

Sabi ni Dar, ang pautang ay idadaan sa DA-Agriculture Credit Policy Council na ang Nueva Segovia Cooperative ang mag-disburse.

Ang hirit naman ng ibang magsasaka, hindi utang ang kailangan nila dahil ang bumagsak na presyo ng palay ang nakasisira sa kanilang kabuhayan ngayon. Ayon sa netizen na si Sopprunio Binnat, ang pagbagsak ng presyo ng palay ang mas higit na problema nila. Aniya, P12 na lang ang presyo ng palay na mas mura na kaysa sa darak kaya baka mas kumita pa siya kung darak na lang ang kanyang itatanim.

Sabi pa ng netizen na Sl R Kobe, “hindi naman kailangan ng loan ng farmer sir eh ang kailangan naming ay tama presyo ng palay. Pautang nga kayu wala naman presyo din palay ni farmer so ano na useless lng dn yn.”

Para sa mga magsasakang nais umutang, maari nilang tawagan si DA-Regional Field Office 1 operations division chief Annie Bares sa 0917-774-2987, o ang mga tao ng DA-ACPC Region 1: Dulce Pascual 0930-575-2501, Alicia Ilaga 0999-228-0537, at Grace Balingit 0995-462-4808. (Eileen Mencias/Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy