Una sa Balita

Da best sa Nueva Ecija ba ang hanap mo?

0 390

TRAVEL AND LEISURE

Hanap mo ba ay GOOD FOOD, refreshing­ drinks, excellent ambiance­ with relaxing music ?

Tamang tama ito sa trip mo kapag ­napadako ka sa ­Cabanatuan City o saan man sa Nueva Ecija. Sadyain ang lugar na ito na nasa Barangay Aduas.

Matagal nang pinapasyalan ito sa lungsod, na nasa sentro ng Nueva Ecija, lalawigang naturingang “ Rice Granary ng Pilipinas.’
Ang WAVES BAR ay dating Nery’s Resort na pag-aari ng pamilya­ ni Engr.

Nerito Santos Sr., na naging three-termer­ mayor­ sa bayan­ ng Talavera,­ Nueva­ Ecija.

Makaraan ang kaniyang­ 9 taong pag­li­­lingkod bilang ­mayor ay napalitan siya ng kaniyang­ anak na si Nerivi­ Santos-Martinez­, na ngayo’y nasa ikatlong termino na rin. Ngayo’y municipal admi­nistrator si Engr. Santos Sr. na tinagurian­ ding ­arkitekto sa ­bayan ng Talavera na nanga­ngarap maging isang lungsod.

Sinimulan umanong itayo sa 2.5 ektarya ang Nery’s Resort noong 1987, makaraang­ mabigo si Engr. S­antos sa unang pagtakbo bilang alkalde­.

Kareretiro lang umano niyang city engineer­ ng Cabanatuan City at naka­pagpundar ng ari-arian sa ­Talavera nang mahikayat siya roong pumasok sa politika.

Nang itayo ang resort­ ay nasa ­panga­rap­ ni Engr Santos ang pag-develop­ ng isang “total package” na pasyalan ng buong pamilya.

Bukod sa adult at kiddie swimming pools ay itinampok din sa resort ang ­water biking, ­boating, fishing at naging pamoso­ ang wild animals tulad ng tigre, ahas, agila at may kasamang mga ostrich at peacocks.

Sentro ng pasyahan ang naturang resort lalo na sa panahon ng summer kaya’t hindi na kailangang lumayo pa ang ­Cabanatueños, lalo na ng maglagay ng animo’y “floating bar” para sa inuman at tugtugan.

At kung pagkain, pulutan o specialties ng Waves Bar ang tatanugin, walang dapat alalahanin dahil tiyak swak na swak ito sa mga panlasa niyo.

Kasama sa maaring pagpilian ang “Waves Platter” na sa halagang P440 lamang­ ay meron ng mixed inihaw na tuna belly, pusit, chicken at mga seafoods.

Maaring tikman ang “Waves favorites” na adobong­ bibe, kalangkang; kaldereta at mga sizzling na putahe­, “Waves pasta” at marami pang iba.

Pero ang hahanap hanapin mo rito ay ang ­kapreskuhan mo sa lugar at ang de-kalidad na serbisyo­ ng kanilang mga staff, na dahilan para balik-balikan mo ang “Waves Bar and Grill by Nery’s Resort”.

(Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy