Una sa Balita

‘Da bes’ ka Manny — Angara

By
0 463

BINATI ng kapwa niya senador na si Sonny Angara si Manny Pacquiao kasunod ng matagumpay na pagdepensa sa kanyang World Boxing Association (WBA) regular weltwerweight belt kontra Adrien Broner Linggo (Sabado ng gabi sa Amerika) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa pahayag na ipinadala ni Angara, isang sports enthusiast at vice chairman din ng Senate Committee on Sports, binate nito ang kapwa senador sa panibagong tagumpay at karangalang muling ipinagkaloob sa Pilipinas.

“Congratulations, Senator Manny! Thank you for bringing never ending joy and pride to your kababayans all over the world. Once again, you have proven that you are indeed one of the greatest­ boxers of all time,” ayon sa statement ni Angara.

Umiskor si Manny ng unanimous decision win laban kay Broner matapos makakuha ng 117-11, 116-112, 116-112 iskor sa tatlong hurado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy