Una sa Balita

D-League: CJ Perez ng Zark’s-Lyceum ang MVP

By
0 713

ANG kamador ng Zark’s Burger-Lyceum na si CJ Perez ang tinanghal na MVP ng PBA D-League Aspirants Cup.

Tinanggap ni Perez ang highest individual award ng torneo mula kay PBA Commissioner Willie Marcial bago ang Game 2 ng finals sa pagitan ng Jawbreakers at Che’Lu Bar & Grill-San Sebastian kamakalawa sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Noong nakaraang taon, naging NCAA MVP din si Perez nang giyahan ang Pirates sa Finals bago tumukod sa San Beda.
Kasama rin si Perez sa 2023 Gilas Cadets na kumakampanya sa FilOil Flying V Preseason Cup.

Sa D-League, nag-average si Perez ng 17.5 points, 6.5 rebounds, 3.9 assists 1.9 steals.

Naungusan niya sa award si Jawbrea­kers at Lyceum teammate Jaycee Marcelino, Samboy de Leon at Allyn Bulanadi ng Re­vellers, Rian ­Ayonayon ng Marinerong Pilipino at Jerrick Ahanmisi ng Akari-Adamson. (Vladi Eduarte)