Una sa Balita

D-League 3×3 alanganin

0 423

KASABAY na natigil ang D-League nang kanselahin ang PBA Philippine Cup sa pangalawang playdate lang ng 45th season noong March 11 dahil sa coronavirus.

Hindi na rin naumpisahan ang ikinakasang inaugural 3×3 tournament.

Nagkaroon ng extended Enhanced Community Quarantine dahil hindi pa kontrolado ang paglaganap ng COVID-19, matatagalan pa bago ituloy ang mga laro. Pinag-iisipan na nga ng board na gawing two-conference na lang ang season.

Maraming college varsity teams ang kasali sa D-League, sakaling ituloy ay mag-aabot na sa collegiate seasons.

Malalaman kung itutuloy pa o hindi na ang D-League kapag nagkaroon na ng desisyon ang collegiate leagues sa kanilang 2020 season.

Ang 3×3 ay itutuloy kapag nag-resume ang season.

“As for the 3×3, we’ll convene the teams once the PBA tournament has resumed,” ani commissioner Willie Marcial. “The plan remains the same, magsisimula maglaro ang 3×3 mga third week ng PBA season.”

Martes ay nagpatawag si chairman Ricky Vargas ng online meeting ng Board, kasama sa natalakay ang posibilidad na gawing two-conference na lang ang season depende sa magiging sitwasyon sa mga susunod na linggo.

Hanggang April 30 ang extended ECQ, kung mali-lift na ay malamang June na itutuloy ang PBA. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More