Cynthia Thomalla, mas may ‘K’ sa showbiz kesa kay Laura Lehmann 

By

Tawang-tawa at hindi makapaniwala si 2017 Miss Eco-Philippines Cynthia Thomalla na ‘Cynthia’ ang Pinoy gay lingo sa ‘Sino siya?’.

“Cynthia?” ang tanong ng entertainment press nang makita nila na iniinterbyu si Cynthia dahil hindi pa nila kilala ang bagong contract star ng Regal Entertainment Inc.

‘til we meet again, home 🏡 #homesweethome

A post shared by Cynthia Magpatoc Thomalla (@thia_alla) on

Medyo nalito ang mga nagtanong ng “Cynthia?” dahil Cynthia rin ang isinagot ng kanilang mga tinanong bago nila na-realize na Cynthia talaga ang pangalan ng 22-year old Filipina-German beauty.

Sa lahat ng mga Miss World Philippines beauty title-­holder na pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment Inc. noong Martes, si Cynthia ang hinuhulaan na malayo ang mararating dahil pang-artista ang itsura niya.

Artistahin talaga si Cynthia dahil nasa lahi nila, dalawa sa mga pinsan niya ang mga sikat na artista sa Germany.

Hanggang ngayon, may mga nagsasabi­ kay Cynthia na siya ang dapat na nanalo ng Miss World Philippines 2017 crown, hindi ang UAAP courtside reporter na si Laura Lehmann.

May sagot sa isyu si Cynthia na naniniwala na deserving si Laura na maging­ official representative ng Pilipinas sa Miss World 2017 na magaganap sa November 18 sa Sanya, China. Ang Miss World Philippines national director na si Arnold Vegafria ang isa sa invited judges sa 67th edition ng Miss World.

“I believe Laura deserves the title and I also know that everyone has their own opinion so people say nga Laura deserves the title, some says na I deserve the title but I’m happy with my title, with the crown that I have so I don’t really think about it.

“All I wanna do is support Laura kasi if Laura would hear those things, mada-down siya so ako, I’m supporting her. I’m happy for her,” ang paliwanag ni Cynthia.


Si Cynthia ang official delegate ng ating bansa sa Miss Eco International na gaganapin sa April 2018 sa Egypt kaya may anim na buwan pa siya para maghanda sa international beauty pageant na lalahukan niya.

Bela Padilla, tinalbugan ni Alessandra 

May dahilan para makiusap si Alessandra de Rossi na suportahan ng moviegoers ang 12 dahil bukod sa siya ang bida, nag-ala Bela Padilla rin ang aktres dahil ito ang sumulat ng kuwento ng pelikula nila ni Ivan Padilla na ipalalabas sa mga sinehan sa November 8, 2017.

Nahigitan pa nga ni Alessandra si Bela dahil co-producer ito ng 12 at siya rin ang sumulat ng theme song, sa tulong ng kanyang boyfriend na si Marc Abaya.

12 ang pamagat ng pelikula nina Alessandra at Ivan dahil sa kuwento, limang taon na magkaibigan at pitong taon na magkarelasyon ang mga karakter na ginampanan nila.

SHARE