Una sa Balita

Cynthia naghihintay ma-rape joke ni Digong

0 493

NAGING trending sa social media ang video ng interview ni Atom Araullo kay Senador Cynthia Villar.

Pinag-usapan ng mga netizen ang mahabang pasensiya ni Atom sa mga naging sagot ni Villar sa interview.

Naitanong ni Atom sa senadora ang reaksyon nito tungkol sa rape joke at sexist remark ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Doon ay sinabi ni Villar na wala siyang mabibigay na reaksyon dahil sa hindi pa naman nabibiktima ng rape joke ng Pangulo.

Ang video ay noon pang Setyembre 2019 pero muling lumabas matapos maging viral sa social media ang reaksyon ni Villar tungkol sa P350 kada kilo ng galunggong.

Sabi ng senadora, kung namamahalan ang mga tao sa galunggong ay mas ma­buting huwag na lang silang kumain nito.

Ayon sa mga netizen, halatang dismayado si Atom sa mga sagot at kawalan ng emphaty ng mambabatas pero pinili nitong maging propesyunal at hindi nag-walkout sa nasabing panayam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy