Una sa Balita

Cyber security

By
0 99

Sa pangunguna ng paggamit ng mga computer, smart device at Internet sa ating araw-araw na pamumuhay, makikitang napapadali ang ating mga gawain, pang personal man o sa trabaho.

Sa isang pindot ay agarang handa sa atin ang impormasyon gayundin ang pagtago ng ating mga litrato, dokumento at iba pang impormasyon sa tinatawag na ‘Cloud’. Dahil sa progreso ng ICT o Information and Communications Techno­logy, nakakabayad na tayo ng mga bill, nakakapag-shopping, nakakapag-bangko at nakakapagpasa tayo ng panggastos nang hindi umaalis sa bahay.

Ang kailangan lamang pag-ingatan sa ganyang kadali rin na paraan, hindi malayong sa isang pindot lang sa kompyuter ay mananakaw o maglalaho na ang mga impormasyong ito sa isang iglap.

Patuloy na nadidiskubre ng mga cyber-security firm sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga cyber-attack na patuloy na dumadalas at dumadami.

Ang cyber warfare ay pagsasabotahe ng mga dokumento at mga impormasyon gamit ang Internet at mga kompyuter o ang tinatawag rin na ‘hacking’. Dahil sa henerasyon ngayon kung saan ang lahat ng bagay ay ginagawa sa mabilis at maginhawang paraan, hindi malayong mabilis lang ding isabotahe ang mga ito.

Ito man ay hindi pisikal na pag-aatake sa kalaban ay mas katakot-takot po ang ganitong paraan sa lawak ng nasasakop na epekto nito lalo pa at ang panahon ngayon ay lubos nang nakadepende sa teknolohiya. Sa panahon ngayong ay halos lahat ng bagay ay nakapaloob na dito mula sa identity ng bawat indibidwal hanggang kahit sa mga kritikal at sikretong transaksyon o plano ng mga kompanya.

Sa pagtanggap ni Senador Gringo Honasan ng alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa Department of Information and Communications Technology (DICT), tiwala tayo na na mapipiga ang bawat posibleng solusyon at maipapatupad ito sa agad na panahon.