Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cusi tsugi na kahit nanumpang PDP pres – Koko

0 193

Iligal umano ang pagkakaluklok kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban).

Ito ang mariing sinabi ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, executive vice chairman ng partido, dahil nasipa na umano si Cusi bilang miyembro ng partido dahil sa kanyang ‘disloyalty’ sa PDP-Laban.

“Actually, sa mata ng PDP-Laban headquarters, expelled na si Secretary Cusi because of acts inimical to the best interest of the party, disloyalty to the party,” pahayag ni Pimentel sa panayam sa dzBB.

Noong Hulyo, sinipa ng grupo ni Senador Manny Pacquiao, ang presidente ng PDP-Laban, sina Cusi bilang chairman at Melvin Matibag bilang deputy secretary-general dahil sa paglabag sa konstitusyon ng partido.

Nitong nagdaang Sabado ay nagsagawa ng national assembly ang paksiyon ni Cusi sa Clark, Pampanga at tinanggal si Pacquiao sa kanyang puwesto at nahalal naman siya bilang bagong pangulo ng PDP.

“‘Yong May 31, tapos July 16, 17, lahat po ‘yon unauthorized. Kasi ang purpose talaga nila diyan palitan si party President Pacquiao. Nangyari na kahapon ‘yong ultimate or one of the ultimate plans nila,” sabi ni Pimentel.

“I’m sure may nakatago pang baraha diyan sa plano nila. Sa dami ng meetings nila naka-3 meetings na sila, ni wala silang mabanggit na presidential bet sa 2022, so nakatago pa rin ang barahang ‘yon eh,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Pimentel na sa ilalim ng konstitusyon ng partido, dapat tumulong ang presidente sa pagresolba sa problema ng grupo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.