Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cusi tablado! Lucy team Ping-Tito sa 2022

0 85

Sa senatorial ticket ng tambalang Lacson-Sotto sasama si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez at hindi sa ibang grupo.

Ito ang tiniyak ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kasabay ng pagsabing ‘fake news’ ang ulat na mas gustong tumakbo ni Torres-Gomez sa grupo ng bagong upong PDP-Laban president Alfonso Cusi.

“I also want to correct a fake news that came out stating that Congresswoman Lucy Torres daw does not want to join us but is joining the slate of Secretary Cusi,” sabi ni Sotto sa online interview.

Nakausap pa umano niya si Torres-Gomez noong Linggo ng gabi at sinabi mismo na kung magdesisyong siyang tumakbo sa pagka-senador, sa kanilang tambalan ni Panfilo ‘Ping’ Lacson siya sasama.

Nauna nang naghayag si Lacson at Sotto ng kanilang pagtakbo sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa darating na 2022 election. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.