Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cusi atat maging executive secretary – Pacquiao

0 202

Target umano ni Energy Secretary Alfonso Cusi na maging executive secretary sa oras na manalo ang kanyang manok sa susunod na national eleksiyon, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

“Ito kasing si Cusi, para malaman ng tao, gusto niyang mahawakan, ma-control ang PDP party,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa DWIZ.

“Para kung sino ang manalong presidente, i-package niya, makahingi siya ng mataas na posisyon especially ‘yong hinahangad niya na maging executive secretary siya. ‘Yon ang gusto niya,” dugtong pa nito.

“Itong partido, hindi ito para sa sari­ling kapakanan lang, kundi para sa masang Pilipino, para sa mga kababayan na naagrabyado at naghihirap at nagugutom,” sambit pa ni Pacquiao. (Dindo Matining/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.