Una sa Balita

Curry, Wiggins mag-aamuyan

0 336

HINDI uso ang load ­management sa Golden State at kay ­Stephen Curry.

Wala rin sa bokabu­laryo ng Warriors ang tanking.

Nangungulelat sa NBA ang Warriors, may 12 wins pa lang. Puwede na ngang magpatalo na sa mga natitira pang laro para magkaroon ng tsansa sa lottery at sa ­mataaas na puwesto sa draft.

Bakit pa ibabalik si Curry?

Pabulusok na sila, pero hindi ibig sabihin na tuluyan nang igagarahe si coach Steve Kerr si Curry.

Maglalaro pa rin sa season ang two-time MVP, ang kondisyon lang ay kung fully recovered na sa ­kanyang arm surgery.

Naka-apat na laro lang si Curry sa season bago inabot ng injury.
Nag-ensayo muli si Curry nitong Miyerkoles, muling ire-re-evaluate sa unang linggo ng March. Kung ­puwede na, maglalaro siya.

Gusto ni Kerr na ­magkagamayan sina Curry at new acquisition ­Andrew Wiggins. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More