Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry ‘wawasakin’ balwarte ng Celtics

0 90

HINDI nagkakalayo ang ingay ng TD Garden sa Boston at Chase Center sa San Francisco.

Pambaterya ng Celtics ang home crowd nila, tulad din ng ginawa ng sariling fans ng Warriors sa mga dayo sa first two games ng NBA Finals.

Sa Boston ang susunod na dalawang laro, Game 3 ngayon.

Sa likod nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green ay energized ang Warriors sa second half ng Game 2 na dinomina ng home team 107-88.

Pero nakanakaw ang Celtics 120-108 sa opener.

Nauwi sa best-of-five ang series,

Mindset nina Curry at ng Golden State na paglabas ng gate mula sa break ay muling rumatsada para ariin ang third at ilatag ang kumportableng lead papasok ng fourth.

“We’ve just got to come out and play basketball for 48 minutes,” giit ni Celtics guard Jaylen Brown. “We know the Warriors are a third-quarter team. We talked about it. They still came out and were able to go on a run. We’ve just got to be able to answer.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.