Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry, Warriors sinilat Bucks

0 30

WALANG kabog na ibinaon ni Kelly Oubre ang dalawang free throw sa dulo at naligtasan ng Golden State ang Milwaukee 122-121 Martes ng gabi.

Sa final 7 seconds, nakadiskarte pa ang Bucks pero bahagyang inabot ni Andrew Wiggins ang huling tira ni Khris Middleton sabay sa pagtunog ng buzzer.

Nagsalansan si Stephen Curry ng 41 points, 6 rebounds at 4 assists para pangunahan ang Warriors. Tumapos ng 19 si Oubre, may 18 points si Kent Bazemore off the bench at double-double na 13 points, 10 rebounds kay James Wiseman.

Hindi naglaro sa 32-18 Milwaukee si Giannis Antetokounmpo, naglista ng 29 points si Jrue Holiday at 28 kay Middleton.

Walang makadistansiya nang malayo sa first 36 minutes.

SM food to go Banner Ad

Abante ang Warriors 53-50 sa halftime, inagaw ng Bucks 88-83 papasok ng fourth.

Nanatili sa laro ang Warriors nang magpalitan ng dalawang tres sina Oubre at Holiday, bago umeksena si Curry para igapang ang panalo.

Mula sa labas ng arc ay 5 for 10 si Curry, 8 of 9 sa free throws.

Ibinalik ni coach Steve Kerr si Curry apat na minuto ang nakalipas sa fourth, hinabol ng Warriors ang 10-point deficit sa final 4 minutes. Sa 3-pointer ni Curry sa lagpas lang ng logo ay dumikit ang Golden State 116-114. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.