Una sa Balita

Curry umatake, Warriors nilasog ang Rockets!

By
0 2,146

Nagising na si Stephen Curry, nang makuha ang ritmo ay nagkalasog-lasog ang Houston Rockets.

Umiskor si Curry ng 35 points na kinapalooban ng limang 3-pointer, nag­liyab sa second half ang Golden State Warriors para ilampaso ang Rockets, 126-85, Linggo ng gabi tungo sa 2-1 lead sa Western Conference ­Finals.

Kung ‘di ginagawang asintahan ni Curry si James Harden ay iniiwan niya lang ito sa mga drive. Perpektong 7-for-7 ang two-time MVP sa third quarter tungo sa 18 points sa period. Pagkatapos ng isang basket, pabisaklat siyang tumihaya sa lapag at su­migaw, “This is my … house!”

“It’s a cool moment,” ani Curry sa balik ng shooting touch. “I was searching for it in the first half. I had plenty of opportunities, I just couldn’t knock it down. Third quarter it opened up. I’ve been doing it for a while. I won’t let two tough games shooting keep me frustrated.”

Pinakamalaki sa postseason ng prangkisa ang 41-point victory, binura ang dating 85-46 win ng Philadelphia Warriors kontra St. Louis Bombers noong Abril 6, 1948.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 25 points, six rebounds at six assists, nagbaba si Draymond Green ng 17 rebounds, 10 points at six assists. Kinubra ng Warriors ang NBA-record 16th consecutive home postseason game, nilagpasan ang 15 straight ng Chicago Bulls mula Abril 27, 1990–Mayo 21, 1991.

Tumapos si Harden ng 20 points at nine assists, may 13 points at 10 rebounds si Chris Paul pero 12-for-32 lang silang dalawa mula sa field.

Game 4 Martes ng gabi sa Oracle Arena pa rin.