Una sa Balita

Curry, Thompson, Warriors inilampaso ang Bucks

By
0 235

TINURUAN ng Basketball 101 ng Golden State Warriors ang Milwaukee Bucks – paano tumira ng 3s at dumipensa.

Umiskor ng tig-20 sina Klay Thompson at Stephen Curry kasama ang 4 of 9 shooting sa labas ng arc, at tinapos ng Warriors ang five-game road trip sa 105-95 panalo Biyernes ng gabi.

Nagdagdag si Andre Iguodala ng season-high 15 points sa pangatlong sunod na panalo ng Gol­den State, kumalas sa se­cond half sa likod ng mainit na shooting sa 3-point line. Sa isang stretch na inabot ng kulang 6 minutes lang, 6 of 9 sa labas ng arc ang Warriors na inumpisahan ng 3 ni Curry 3 minutes pa sa third para lumayo sa 11.

Sa kabuuan ay 19 of 46 mula long range ang Warriors kontra Bucks, ang highest-scoring team ng liga sa kasalukuyan. Inalat sa 7 of 39 shooting (18 percent) mula 3-point range ang Milwaukee.

“Defense hasn’t been that great, so it’s good to finally put together a game where we hold an opponent to a not so great 3-point percentage,” ani Thompson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy