Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry, Thompson walastik sa tres

0 173

NAKUHA ng Splash Brothers ang pulso sa labas ng arc at ipinagpag ng Golden State ang Minnesota 124-115 Huwebes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco.

Tumapos si Stephen Curry ng 29 points, 8 rebounds at 6 assists, umayuda si Klay Thompson ng 23 points. May tig-19 pa sina Andrew Wiggins at Jordan Poole sa Warriors (36-13).

Overall ay kumonekta ng 21 for 36 mula long range ang Golden State – 6 for 10 si Curry, 5 for 9 si Thompson, nahawa rin si Wiggins na 5 for 8.

Bago bumalik ang shooting touch kontra Wolves, 3 for 23 lang sa 3s si Curry sa huling dalawang laro at 37 for 127 ngayong buwan hanggang noong Miyerkoles.

Sa kabila, 10 for 44 lang mula 3-point range ang Wolves (24-24).

Nilista ng Minnesota ang first 8 points ng laro, naiwan 97-81 pagkatapos ng three quarters pero inumpisahan ang fourth sa 10-0 run para manatili sa laro.

Kinapos lang ang 31 points at 12 rebounds ni Karl-Anthony Towns at 27 points, 6 rebounds at 6 assists ni Anthony Edwards sa Wolves. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.