Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry, Thompson ‘binagyo’ Pistons

0 170

BUMALIK sa lineup si Stephen Curry at maagang nag-init ang Golden State bago inambus ang dumayong Detroit Pistons 102-86 Martes ng gabi sa Chase Center.

Hindi na kinailangang isagad ni coach Steve Kerr si Curry nang umariba sa 66-38 lead ang Warriors sa intermission.

Sa loob ng 29 minutes, nagsumite si Curry ng 18 points at 8 assists matapos ipahinga sa huling laro dahil nabugbog ang shooting hand sa panalo kontra Chicago Bulls noong Biyernes.

Limitado pa rin sa 22 minutes si Klay Thompson pero tumapos ng 21 points. Combined 7 for 16 sa labas ng arc ang Splash Brothers sa wire-to-wire win ng Golden State (32-12).

Nambarako pa ng 19 points si Andrew Wiggins, nagdagdag ng 12 points at 10 rebounds si Jonathan Kuminga at kumalawit ng 10 boards si Kevon Looney sa Golden State.

Namuno sa Detroit ang 19 points off the bench ni Rodney McGruder, nagsumite ng double-double sina Hamidou Diallo (16 points, 13 rebounds) at Isaiah Stewart (14 at 11). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.