Una sa Balita

Curry, Thompson ayaw tumiklop

0 224

BUHAY PA!

HINDI pa nabitawan ng Golden State Warriors ang NBA title.

Tumitira sina Stephen Curry at Klay Thompson at nambubutata si Draymond Green, naigapang ng two-time defending champions ang panalo pagkatapos ng dalawang sunod na semplang.

Umiskor si Curry ng 31, nagdagdag si Thompson ng 26 at naligtasan ng Warriors ang injury muli ni Kevin Durant nang itakas ang 106-105 panalo kontra Toronto Raptors Lunes ng gabi (Martes sa ‘Pinas) sa Game 5 ng NBA Finals.

Sa unang pagkakataon sapul noong Mayo 8 ay nag­laro si Durant pero inabot ng lower left leg injury sa second quarter at hindi na nakabalik. Tumapos ang reigning two-time Finals MVP ng 11 points mula 3 for 3 3-point shooting sa loob ng 12 minutes.

Lumala din ang collarbone injury ni Kevon Looney.

Sa halip na panghinaan, nakipagpukpukan ang naiwang Warriors.

“I’ve seen it over and over again. So it’s not really surprising, this is who they are,” ani coach Steve Kerr.

Tatlong 3-pointers ang ibinaon ng Splash Brothers sa closing minutes matapos lumamang ng anim ang Toronto 3 ½ minuto pa sa harap ng napakaingay na crowd na puro pula.

“Even going down six with three minutes left, their ball, we didn’t panic,” giit ni Thompson. “We just do what we do.”

Tinapyas ng Golden State ang Raptors lead sa 3-2, babalik ang Game 6 sa Oracle Arena sa Biyernes (araw sa Manila).

Umiskor ng 26 si Kawhi Leonard pero hindi nakumpleto ng Raptors ang final shot na napunta kay Kyle Lowry at inabot ni Green.

Nalusaw ang 14-point lead ng Warriors, pinigil si Leonard sa first three quarters pero nakawala ang Raptors star sa fourth para umiskor ng 10 straight.

Abot-kamay na ng Toronto ang unang titulo, nagsisimula na ang selebrasyon sa buong Canada.

Pero nasa Golden State ang best perimeter shooters ng liga. Nagsalpak ng 3 si Thompson, sinundan ng isa ni Curry para itabla sa 103. Ibinalik ng Warriors ang bola kay Thompson na sandaling iniwan ng mga bantay pero sapat para pakawalan ang tiebreaker 57 seconds na lang. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy