NBA | Curry tambay ng 2 linggo


Masasabik ang fans ni Golden State Warriors star Stephen Curry sa loob ng dalawang linggo matapos ang isinagawang MRI exam sanhi ng natamong pilay sa kanang bukong-bukong mula sa kanilang 125-115 comeback win kontra New Orleans Pelicans noong Lunes.

Sinabi ng Golden State na ang kanilang leading scorer at 2-time league MVP ay ie-evaluate at oobserbahan sa loob ng dalawang linggo.

Asahan nang hindi makakaporma si Curry para sa laro sa Miyerkoles sa kanyang hometown sa Charlotte, kung saan doon isinagawa ang MRI.

Sa paghakbang ni Curry ‘di sadyang natapakan niya ang paa ni E’Twaun Moore at wala sa pormang bumagsak at nabisaklat ang kanyang bukong-bukong sa huling steal ng tropa.

Umalis siya sa court na iika-iika at iniwan ang arena na nakasaklay, suot ang walking boot.

Gayunman, pumitas pa si Curry ng 31 puntos bago ang injury, kung saan nag-a-average siya ng 26.3 points, 6.6 assists at 5.1 rebounds ngayong season. 

Sa pahayag ng defending NBA champions, nakasaad sa MRI na ang bukong-bukong ni Curry ay “stable and structurally intact.”

SHARE