Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Curry nilampasan si Chamberlain

0 81

KINAMADA ni Stephen Curry ang ninth 50+ point game ng career at itinumba ng Golden State ang Denver 116-107 Lunes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco.

Sa first quarter, naglista ang two-time MVP ng 21 points kabilang ang pambura sa 17,783 career points ni Wilt Chamberlain na pinakamaraming naipong puntos ng Warriors noong 1964.

Si Curry na ang all-time leading scorer ng Warriors, sa edad 33 ay marami pang idadagdag.

Tumapos si Curry ng 53 points, 6 rebounds at 4 assists.

SM food to go Banner Ad

Nag-ambag ng 18 points, 7 rebounds at 7 assists si Draymond Green, may 17 markers pa si Andrew Wiggins.

Umiskor ng double digits ang apat na starters ng Warriors maliban kay Kevon Looney na walang puntos pero nagbaba ng 10 rebounds.

Pantay lang ang field goals ng magkabila (39 of 81 Warriors, 39 of 83 Nuggets) pero bumentahe ang Golden State sa 3-point shooting – 18 for 44 kumpara sa 8 for 26 ng Denver

Binitbit ng 27 points, 12 rebounds at 8 assists ni Nikola Jokic ang Nuggets, may 24 markers, 9 boards si Michael Porter. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.