Una sa Balita

Curry napa-wow kina Kevin, Klay

0 277

UMISKOR si Kevin Durant ng 33, tumapos ng 32 si Klay Thompson at inambus ng Golden State Warriors ang Los Angeles Clippers 113-105 Linggo nang gabi tungo sa 3-1 lead sa kanilang Western Conference first-round playoff series.

Matapos ang tahimik na 12 points sa Game 3 ay may 27 na sa halftime si Thompson habang may 19 si Durant.

“In the first quarter, we really didn’t need to do anything special. Klay was amazing. KD was consistent the whole game,” lahad ni Stephen Curry.

Walang pumasok sa unang anim na tira ni Curry, maaga ring nasa foul trouble sa ikalawang sunod na laro bago tumapos ng 12 points. Fouled out si Andrew Bogut 5:50 pa sa laro at may 8 points.

Game 5 sa Huwebes (araw sa Manila) sa Oakland.

Tumikada ng 17 of 19 mula sa free throw line ang Warriors, kinontrol ang boards 49-33 sa pangu­nguna nina Curry at Bogut na may tig-10 rebounds.

A-outscore ng LA ang Golden State 30-25 sa third tungo sa limang puntos na bentahe. Iginuhit ni Curry ang pito sa final 10 points ng Warriors para pumasok sa fourth na nasa unahan 87-84.

Idinikit ng Clippers 87-86 sa bukana ng fourth, pero ibinaon ni Thompson ang pang-anim niyang 3 at hindi na nakapalag ang LA. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy