Una sa Balita

Curry nagpasabog ng 42 kontra Cavs

By
0 225

NAGLIYAB si Stephen Curry Miyerkoles ng gabi para sa Golden State Warriors, at walang nailabas na pamatay-sunog ang Cleveland Cavaliers.

Pasabog si Curry ng 42 points na kinapalooban ng pambihirang 9 of 14 shooting sa labas ng 3-point line para giyahan ang Warriors sa 129-105 blowout win.

Nilista ni Curry ang pangalawa niyang 40-point game ngayong season, 32nd overall sa kanyang career. May palamuti pa siyang 9 rebounds at 7 assists.

Hindi nagpahuli si Kevin Durant na kinapos lang ng isang assist para sa triple-double sa kinamadang 25 points at 10 rebounds. Mula sa labas ng arc ay 9 for 16 si KD.

Sa 7 of 14 field goal shooting ay tumapos ng 21 points si Collin Sexton para pangunahan ang Cavs. Umayuda si Tristan Thompson ng 14 points at 19 rebounds.

Unang pagtatagpo ng Warriors at Cavaliers pagkatapos ng nakaraang NBA Finals na dinomina ng Golden State.

Pero ibang Cavaliers na ang dinatnan ng Warriors sa Cleveland pagkatapos ng apat na sunod na taong showdown sa Finals.